WATCH: Pangulong Duterte, Idineklara Nang Malaya Ang Marawi City


Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa mga teroristang Maute.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa muling pagbisita nito sa lungsod kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Kasunod na din ito sa pagkakapatay sa lider ng grupong Maute na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon sa main battle area ng lungsod noong Lunes, Oktubre 16.

Nakatutok pa rin ang mga tropa ng pamahalaan sa pagtugis sa tinaguriang Maute Strugglers na pinaniniwalaang pinamumunuan ng isang Dr. Mahmud Ahmad, isang Malaysian national na nagsilbi umanong tulay upang magkaroon ng alyansa ang Maute sa ISIS.

Kasabay ng nagpapatuloy na operasyon ang pagsagip pa sa nasa dalawampung (20) hostages ng naturang strugglers group. Gayunman, patuloy din ang isinasagawang clearing operations ng mga otoridad para masiguro na wala nang teroristang makakalusot.

No comments

Powered by Blogger.